Biyernes, Disyembre 12, 2008

Pagtalakay Tungkol Sa Mga Alamat

Sa araw na ito,tinalakay ng isang kamag-aral namin ang tungkol sa "ALAMAT".

Inihanay rin ni Sir kung anong mga lugar sa Bikol ang unang nalaman.Ang mga lugar na ito ay may kaugnayan sa pinagmulan at sa katagalan ay naibatay na sa orihinal nitong ngalan.


Ang aking lugar ay ang "Calabanga".Sabi daw ni lola ang lugar namin ay puno ng kababalaghan sapagkat madaming mga kakila kilabot na mga pangyayari.Ang Calabanga daw ay pinaninirahan ng mga hayop na ang ngalan ay "Cabalang."

Miyerkules, Disyembre 10, 2008

Pe`nafrancia Hinango sa Bikol


Sa araw na ito,ipinakilala ni Sir ang aklat o sanaysay na pinagmumulan ng Pe`nafrancia ito'y ibinase sa Bikol.

Masyadong mahirap ang bikol nito.Malalim na kasi ang mga salitang Bikol.

Batay sa tinalakay ni Sir.Ipinakilala niya pa ang isang maikling kwento tungkol sa canaman.Na maraming "cana" daw.

Mahirap intindihin ang mga salita dito at pawang malalim talagang mga salitang Bikol ang ginamit.

Lunes, Disyembre 8, 2008

Pagplano ng Christmas Party

Nagkaroon ng pagplano ngayon ng party.Maingat at halos gustong magsalita ng kani-kanilang gustong ihanda kaya't galit at inis na naman ang pangulo ng klase. May mga sinulat si Sir sa board ng mga requirements na kakailanganin bago magprelim
Ito ang mga sumusunod:

* Reaction Paper


-ginanap na Activity day


*Ambag


*ipasa sa Araw ng Prelims


-puna,suhestiyon atbp.

-Bugtong,salawikain atbp.
-Mga librong di-nabenta

-Blog adress
-Written report(para sa mga grupo,trivia/balita)

Biyernes, Disyembre 5, 2008

Ang Unag Pagtalakay ng isa kong kamag-aral...

Unang tinalakay sa araw na ito ang tungkol sa Panitikang Filipino.Kung ano nga ba ito.Ayon sa pagtalakay ang Panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, paniniwalang pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.

Mga Uri ng panitikan

1.Panggawaing panitikan- layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang kaalaman ukol sa gayo't ganitong uri ng gawain at karunungan
2.Masining na panitikan- pukawin ang guni-guni't gisingin ang damdamin at magturo o maghikayat.
3.Malikhainga Panitikan- tahasang pukawin ang ating guni-guni at damdamin na makakita ng saya sa isang paraluman

Mga Uri ng Tula

1. Tulang Liriko o Tula ng damdamin
a. Dalit- nagbibigay parangal sa maykapal
b.Soneto- aral ng buhay
c.Elehiya- alaala ng isang namatay
d.Oda- pumupuri sa kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao
e.Awit- ang paksa ay tungkol sa pag-ibig, kabiguan at pag-asa
2. Tulang Pasalaysay
a.Epiko- pakikipagtunggali ng isang bayani
b.Awit at korido- pakikipagsapalaran
c.Balad- tulang inaawit habang sumasayaw
3.Tulang patnigan
a.Karagatan- parangal sa isang patay
b.Duplo- ginaganap sa ika-9 na gabi sa namatayan
c.Ensileda- pang-aliw sa namatayan
d.Balagtasan- Palitan ng katwiran
4. Tulang pandulaan- isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at komedya.
Habang nagtatalakay ang isa kong kamag-aral ay patuloy na patigil-tigil dakil sa pagbiglang pagtatanong ng aming guro.Kaya may mga kamag-aral akong nagrereklamo dahil daw sa hindi pinatatapos muna ni sir ang pagtalakay bago raw siyamagtanong.Hehehehe!!!!

Miyerkules, Disyembre 3, 2008

Mahirap ang Quiz ni Sir!!!!!

Dahil walang pasok noong Lunes Dec.1 sa pagsapit ng Miyerkules,nagkakaroon ng pagsusulit.
Mahirap ang pagsusulit na ibinigay ng aming guro.Hanggang 20 ito, ibat-ibang mga tanong ang ibinigay na may kinalaman sa Literatura o Panitikang Filipino.
Inabot na isang oras ang pagsusulit na ito.Kaya't hindi nakapagturo si Sir.
Labing dalawa lamang ang puntos na aking nakuha.Nakakaasar!!! ang baba ng nakuha ko kumpara sa mga pagsusulit na ibinigay noon ng dati naming guro.Epekto ata ng pag-ulan na may halong malamig na hangin kaya't mababa ang nakuha ko.Makakatamad kasi mag-aral.

Biyernes, Nobyembre 28, 2008

Ang Ikawalong Araw namin Kay Sir Irvin

Matatapos na ang paligsahan na aming pinangunahan.Sa loob ng klase nag-usap-usap kami.Kung ano pa ang dapat gawin para sa mga huling pangangailangan sa naganap na activity day.

Nagkaroon din ng pag-assign ng tatalakayin.
Ang mga aklat na dala ni Sir ay isa-isang inialok sa amin upang ipagbili ito sa ibang tao.Maingay ang buong klase,hindi makapag-usap ng maayos.

Sapagkat nagmamadali pa rin para sa gaganaping awarding.
Sabi daw, mamayang 3 magsisimula ang pag-announce ng mga nanalo sa paggawa ng tigsik at rawit-dawit......

Miyerkules, Nobyembre 26, 2008

ACTIVITY DAY na!!!!!!!!!

Maaga ang lahat upang mapasimulan ang paligsahan.Halos nagmamadali ang Education Students sa pag-asikaso ng lugar na pagdadausan nito.Naganap ito sa loob ng library.
May mga sinabit na mga larawan upang magkaroon ng interes ang mga mag-aaral na pumasok at maingganyo sa gaganaping gawain.
Maging si Maam Monsserate ay busy din sa pag-asikaso.Nakikihalubilo din siya sa mga mag-aaral at sumusuporta sa aming mga Education Students.
May picture dun....picture dyan.Masaya ang lahat.Pati si Sir Irvin ay kita din ang ligaya.Siguro.....eu daa Sir????!!!..........hehe.
Sana sa naganap na Acitivity Day naging maligaya rin si Sir Irvin.Kahit kakaunti lang ang mga mag-aaral na dumalo.
Maging masaya sana po kayo Sir sa amin kahit makukulit at maiingay kami...