Biyernes, Nobyembre 28, 2008

Ang Ikawalong Araw namin Kay Sir Irvin

Matatapos na ang paligsahan na aming pinangunahan.Sa loob ng klase nag-usap-usap kami.Kung ano pa ang dapat gawin para sa mga huling pangangailangan sa naganap na activity day.

Nagkaroon din ng pag-assign ng tatalakayin.
Ang mga aklat na dala ni Sir ay isa-isang inialok sa amin upang ipagbili ito sa ibang tao.Maingay ang buong klase,hindi makapag-usap ng maayos.

Sapagkat nagmamadali pa rin para sa gaganaping awarding.
Sabi daw, mamayang 3 magsisimula ang pag-announce ng mga nanalo sa paggawa ng tigsik at rawit-dawit......

Miyerkules, Nobyembre 26, 2008

ACTIVITY DAY na!!!!!!!!!

Maaga ang lahat upang mapasimulan ang paligsahan.Halos nagmamadali ang Education Students sa pag-asikaso ng lugar na pagdadausan nito.Naganap ito sa loob ng library.
May mga sinabit na mga larawan upang magkaroon ng interes ang mga mag-aaral na pumasok at maingganyo sa gaganaping gawain.
Maging si Maam Monsserate ay busy din sa pag-asikaso.Nakikihalubilo din siya sa mga mag-aaral at sumusuporta sa aming mga Education Students.
May picture dun....picture dyan.Masaya ang lahat.Pati si Sir Irvin ay kita din ang ligaya.Siguro.....eu daa Sir????!!!..........hehe.
Sana sa naganap na Acitivity Day naging maligaya rin si Sir Irvin.Kahit kakaunti lang ang mga mag-aaral na dumalo.
Maging masaya sana po kayo Sir sa amin kahit makukulit at maiingay kami...

Lunes, Nobyembre 24, 2008

Whew!!!!!!!Nakakapagod ito!!!!!!!

Busy na ang lahat.Ikot dito ikot dyan takbo dun,takbo dyan.Lahat ng BEED2 ay nagmamadali sa paggawa ng bawat tungkilin. Ang mga bawat department raw ay dapat ng maipaalam ang paligsahang gaganapin sa Activity Day (Nov.26,2008) Nakakahanga ang isang kamag-aral ko.Kahit hindi siya ang presidente aktibong aktibo siya sa paggabay sa amin. Mayroon ng nakadikit na streamer sa harap ng gusali.Hindi magkaugaga ang lahat sa pag-aasikaso ng gagawing paligsahan. Ang mga tungkulin ng bawat isa ay tulong-tulong na ginawa ang lahat.May mga pangkat na patungo sa Engineering Dept,Education Dept atLaboratory High School. Ang ibang mag-aaral ay nagpaapalista ng iba pang pangangailangan may gumawa ng imbitasyon at kung anu-ano pa.

Biyernes, Nobyembre 21, 2008

Plano Ulit Tayo.....Ayon kay Pres....

Nagkaroon ng maikling panahon makapag-usap ang buong klase.Dapat may gagawa na ng streamer.
Ginagawa na rin ng mga officers ang mga kasulatan na ipapapirma sa mga Dean at iba pang may kinalaman sa paligsahan.
Kami nama'y binigyan ng tungkulin na ipahayag sa High School na sumali sa paligsahan.
Nagkaroon din kami ng pagagawa ng isang panitikan o halimbawa ng panitikan
Napapadalas o gumawa na din kami ng blog.Sa unang pagkakatao'ymaraming beses akong nagkamali sa tuntunin na dapat sundin sa paggawa nito.Ilang ulit....akong gumawa ng blog.Nandun ang makalimutan ang password at nandun ang magbrownout sa gitna ng paggawa ng blog!!!!Whew!!Asar!!!
Sa wakas natapos din namin ang paggawa ng blog.Yezzz!!!!!
Magsusulat na lang kami ng repleksyon namin.Mabuti na rin at naumpisahan ko na rin sa wakas!!!!!!!!!

Miyerkules, Nobyembre 19, 2008

Nakaaasar!!!! Araw na ito!!!!

Araw ng Nobyembre 17,2008

Inis na inis ako sa arwa na ito. Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang gagawin ko sa blog na yun.

Sa araw na ito,tinalakay na din namin ang tungkol sa Panitikan.Ayon sa aklat na aming napag-aralan habang mandito pa ang aming guro.

Ang salitang panitikan raw ay nanggaling sa unlaping pang-na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d,l,r,s, at t;
PAN-TIK-AN
Ang pan- ay unlapi at ang -an ay hulapi.
Sa salitang ugat na "titik" o "letra" ay nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan at ng hulaping -an.
Panitikan ay nangangahulugan sa Ingles na "Literatura" at sa Kastila ay Literature na batay sa latin na "litera" na manganaghulugan na Letra o titik.
Nagkaroon din kami ng maikling hindi pagkakintindihan sa salitang Filipino at Pilipino.

Ngunit naayos din ito sa bandang huli.................


Lunes, Nobyembre 17, 2008

Tigsik? Rawit-Dawit?

Nagkaroon ng bagong plano si Sir.Kami daw na BEEd2 ang mamamahala sa gagawing "National Book Week".Ano ba yun?Oh No!!!Bagong project na naman ba to????
Ang National Book Week pala ay tungkol sa pagpapahalaga sa Linggwaheng Bikol."Ibinigay sa amin ang tungkuling mamahala at magpalaganap ng paligsahan sa paggawa ng Tigsik na batay sa temang "Ang Batang Palabasa ay Nagiging Dalubhasa sa Kultura"
Mahirap ata ang ipinagagawa ni Sir kaya't oras oras ay napag-uusapan namin kung ano ba dapat ang gawin upang maging maganda ang kagaganapan nito.
Pinagagawa kami ng mga tungkulin o meron mga tungkuling hinabilin sa amin para sa bawat isa.Kailangan makapaglikom kami ng mga sasali at makagplano ng maigi upang maging epektibo ang gaganapin sa huling linggo ng Nobyembre.Makaya kaya namin to???Naku!!!!!
Ang tinutukoy sa paligsahan na ito ay dapat makapaglista ng mga mag-aaral na ibibigay na entry na halimbawang tigsik.Tigsik na nasa linggwaheng Bikol.

Biyernes, Nobyembre 14, 2008

Pagplano ng paggawa ng Blog

Noong unang araw ng pagtalakay ni Sir.Nasabi niyang kailangan naming gumawa ng isang repleksyon na gagamitan ng kompyuter.Noong una'y di ako sang ayon sa gusto niyang ipagawa sa amin.Alam ko kasing mahirap ang ipapagawa niya sa tulad naming hindi masyadong magling gumamit nito.
Hindi din ako sang ayon sa plano niya sapagkat wala kaming hilig at ipanggagastos na pera sa paggamit ng kompyuter.
Aaminin kong hindi ako nagkarron ng interes sa paggawa nito.Kaya't hindi ko agad maintindihan kung paano na ito gagwin,ano ang dapat unang gawin at king anu-ano pa.
Iniisip ko din noon kung ang aming dating guro ang siya pa naming tagapagturo nagyon.Tiyak na hindi sa amin ipapagawa ang mga bagay na ito.
Noong nakaraan kasing semester gumawa din kami ng ganitong repleksyon .Ngunit di kasing hirap nito.Taging ginamit namin ay aming kuwaderno upang makatipid na at magawa ito sa takdang araw.Kaya't tanging tango lamang ang aking sinasagot tuwing magplano sa paggawa nito.
Nag-aalala ako sa mga napag-usapan namin sa Filipino.Naninibago ako sa paraan ng pagturo ni Sir.Pero dahil tungkulin namin isagawa ang gustong ipagawa sa amin wala din kaming magawa kundi malaking buntong-hininga at sabay sabing "okey!!!!gagawin ko na!!!!

Miyerkules, Nobyembre 12, 2008

Sa Unang Araw na Pagtalakay

Sa unang araw na ito,nabalitaan namin na magkakaroon kami ng bagong guro.Kung anu-ano na ang aming naisip kung ito bay mabait na gaya ng aming dating guro.Inaasahan naming maging isang mabait at mabiti upang marami kaming matutunan.


Oras na ng aming asignaturang Filipino.isang di katasaang lalaki at payat ang pumasok sa aming silid aralan.Ito na raw ang bagong guro namin.Sa unang impresyon ,mapansin naming parang bata pa para maging tagpaturo kung ikukumpara sa dati naming guro.


"Ako nga pala si Irvin P.Sto Tomas " tanging iyan ang narinig kong pagpapakilala ng bago naming guro.Ngunit sa unang impresyon ito'y mukhang di pa sanay sa pagtuturo.Sabi ko nga sa sarili ko "Kung kaya namin siguradong kayang-kaya din ni Sir".